Saturday, January 21, 2012

Bakit holiday ang Chinese New year?


KUNG HEI FAT CHOY sa ating mga kapatid na Chinese na nagdiriwang ngayon ng kanilang New year.
Bukas Enero 23, 2012, idiniklara ng Malacanang na walang pasok sa pakikiisa ng bansa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa diklarasyong ito isang tanong ang sumagi sa aking isipan. Bakit ang Chinese New year ay HOliday at ang dating mga holidays natin noon
tulad nga pagdiriwang ng kaarawan ng ating mga bayani ay hindi na holiday/ipinagdiriwang? At ito ang naging sagot sa aking katanungan.

Mas pinapahalagahan ng ating PAMAHALAAN ang mga Chinese Investors na namumuhunan sa ating bayan kaysa ipagdiwang ang kabayanihan ng mga taong dahilan ng ating kalayaan sa kasaluyan.
Nakakalungkot isipin ngunit sa panahon natin ngayon mas matimbang ang salaping kontribusyon kaysa sa buhay na inalay para sa pagkakapantay pantay at kalayaan.



No comments:

Post a Comment